DTI Sec. Recto, nakipagpulong sa mga opisyal ng JP Morgan para sa pagpapalakas ng capital market ng Pilipinas

Nakipagpulong si Finance Secretary Ralph G. Recto sa mga senior officials ng JP Morgan, upang talakayin ang mga posibleng kolaborasyon at inisyatiba para sa pagpapalakas ng Philippine capital market. Ang JP Morgan ay isa sa mga nangungunang international company sa serbisyong pampinansyal na nagbibigay ng solusyon sa malalaking korporasyon, pamahalaan, at institusyon sa buong mundo.… Continue reading DTI Sec. Recto, nakipagpulong sa mga opisyal ng JP Morgan para sa pagpapalakas ng capital market ng Pilipinas

Konsulta Service Delivery Caravan sa Bayan ng Bongao Tawi-Tawi, matagumpay

Pinangunahan ng PhilHealth Local Health Insurance Office Tawi-Tawi sa pamumuno ni Jonaper Kalbit ang matagumpay na tatlong araw na Konsulta Service Delivery Caravan, na ginanap sa Bayan ng Bongao Tawi-Tawi. Ayon kay Abigail P. Gabir ng Philhealth LHIO ng lalawigan, ito ay isang hakbang upang mapalawak ang impormasyon tungkol sa expanded out patient benefit ng… Continue reading Konsulta Service Delivery Caravan sa Bayan ng Bongao Tawi-Tawi, matagumpay

House repair kits, cash assistance, ipapamahagi ng DHSUD sa Catanduanes

Mamamahagi ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Region V ng tulong para sa mga Catandunganon na nasalanta ng Super Typhoon ‘Pepito’ sa pamamagitan ng Integrated Disaster Shelter Assistance Program (IDSAP) at Housing Materials and Essentials (HOMEs). Ayon kay DHSUD-5 Regional Director Atty. Richard L. Manila, magbibigay sila ng P30,000 cash assistance para… Continue reading House repair kits, cash assistance, ipapamahagi ng DHSUD sa Catanduanes

Huling pagdinig ng Senado sa usapin ng mga POGO at pagkakasangkot dito nina dismissed Mayor Alice Guo, isasagawa sa susunod na linggo

Itinakda na sa susunod na Martes, November 26, ang huling pagdinig ng Senado kaugnay sa isyu ng mga iligal na aktibidad na ikinakabit sa operasyon ng mga Philippine offshore gaming operator (POGO), at ang pagkaksangkot dito ng grupo ni dismissed Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping. Ayon kay Senate Committee on Women Chairperson Senator Risa… Continue reading Huling pagdinig ng Senado sa usapin ng mga POGO at pagkakasangkot dito nina dismissed Mayor Alice Guo, isasagawa sa susunod na linggo

Pagsunod sa itatakdang kondisyon para sa paglipat at pagpapatuloy ng pagsisilbi ng sintensya ni Mary Jane Veloso mula Indonesia patungong Pilipinas, siniguro

Siniguro ng Marcos Administration na tatalima ang pamahalaan sa ano mang kondisyon na itatakda ng Indonesia, upang mailipat na ng detention facility si Mary Jane Veloso, mula Indonesia patungong Pilipinas. Si Veloso ang OFW na nasa death row sa Indonesia simula pa noong taong 2010, dahil sa kasong drug trafficking. Sa inilabas na pahayag ng… Continue reading Pagsunod sa itatakdang kondisyon para sa paglipat at pagpapatuloy ng pagsisilbi ng sintensya ni Mary Jane Veloso mula Indonesia patungong Pilipinas, siniguro

Sen. Hontiveros, nakikiisa sa panawagan ng Malacañang na iwasan ang marangyang Christmas parties ngayong taon

Sinang ayunan ni Senator Risa Hontiveros ang panawagan ng Malacañang sa lahat ng mga ahensya ng gobyerno na gawing simple na lang ang pagdiriwang ng Pasko ngayong taon. Sa kapihan sa Senado, sinabi ni Hontiveros na matagal na rin itong ginagawa ng kanyang opisina at ilang mga opisina sa senado. Umaasa rin ang senador na… Continue reading Sen. Hontiveros, nakikiisa sa panawagan ng Malacañang na iwasan ang marangyang Christmas parties ngayong taon

Mayor Francis Zamora, sinagot ang mga alegasyon ni Sen. Jinggoy Estrada sa umano’y flying voters sa Lungsod ng San Juan

Sinagot ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang mga paratang ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada. Ito’y makaraang akusahan ni Estrada si Zamora na umano’y nag-aalaga ng may 30,000 flying voters sa lungsod para masiguro ang kaniyang panibagong termino sa Halalan 2025. Sa isang pulong balitaan ngayong hapon, sinabi ni Zamora na walang… Continue reading Mayor Francis Zamora, sinagot ang mga alegasyon ni Sen. Jinggoy Estrada sa umano’y flying voters sa Lungsod ng San Juan

Party-list group, itinutulak ang paglikha ng PH Medicine Bank para sa vulnerable sectors

Photo courtesy of Rep. Wilbert T. Lee Facebook page

Naghain si Agri Party-list Representative Wilbert Lee ng panukalang batas na naglalayong magtatag ng National Medicine Bank para sa mas episyenteng koleksyon at pamamahagi ng mga donasyong gamot at healthcare supplies sa mga nangangailangang Pilipino. Sa 50th Anniversary ng Integrated Philippine Association of Optometrists Inc. (IPAO), kung saan naging panauhing pandangal si Lee, binigyang-diin niya… Continue reading Party-list group, itinutulak ang paglikha ng PH Medicine Bank para sa vulnerable sectors

SP Chiz Escudero, tiwalang bibigyan ng pardon ni Pangulong Marcos Jr. si Mary Jane Veloso

Naniniwala si Senate President Chiz Escudero na bibigyan ng pardon o clemency ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. si Mary Jane Veloso, kapag nailipat na ang kustodiya nito sa Pilipinas. Pero ayon kay Escudero dadaan pa ito sa kinauukulang legal at diplomatikong proseso. Kabilang na aniya dito ang pagbibigay ng courtesy sa pamahalaan ng Indonesia… Continue reading SP Chiz Escudero, tiwalang bibigyan ng pardon ni Pangulong Marcos Jr. si Mary Jane Veloso

Bicolano leaders, malaki ang pasasalamat sa ipinakitang malasakit ng pamahalaan sa kanilang mga kababayan

Pasasalamat ang ipinaabot ng mga lokal na opisyal ng Bicol sa ipinakitang malasakit ng pamahalaang nasyunal sa kanila kasunod ng pagtama ng bagyong Kristine at Pepito. Ayon kay Legazpi City Mayor Alfredo Garbin Jr., naalala pa niya noong tumugon ang Ako Bicol party-list sa pangangailangan ng Tacloban nang padapain ito ng Super Typhoon Yolanda. Kaya… Continue reading Bicolano leaders, malaki ang pasasalamat sa ipinakitang malasakit ng pamahalaan sa kanilang mga kababayan