Higit 36k Pamilya sa Catanduanes, naabutan na ng Tulong ng DSWD

Umabot na sa 36,600 pamilya sa Catanduanes na naapektuhan ng super bagyong Pepito ang napaabutan na ng tulong ng DSWD. Ito’y batay sa pinakahuling ulat ng DSWD Bicol na ibinahagi sa Media Forum na isinagawa sa lalawigan kahapon, November 21. Aabot na sa P28.41 milyon ang halaga ng mga asistensyang ito kung saan P25.42 milyon… Continue reading Higit 36k Pamilya sa Catanduanes, naabutan na ng Tulong ng DSWD

Majority solons, nanawagan kay VP Sara na huwag gamitin ang mga staff para iwasan ang isyu ng confidential funds

Nakiusap si House Majority Leader Mannix Dalipe kay Vice President Sara Duterte na huwag magtago sa likod ng kaniyang mga staff at sa halip, personal nang sagutin ang isyu ng paggamit sa P612.5 million na confidential fund. “Huwag kang pa-victim. Tama na ang pambubudol. The Vice President should stop using her staff as human shields.… Continue reading Majority solons, nanawagan kay VP Sara na huwag gamitin ang mga staff para iwasan ang isyu ng confidential funds

Ilang vulnerable sector sa Samar, nabiyayaan ng ayuda at bigas sa ilalim ng CARD program sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Samar

Pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez ang pamamahagi ng cash assistance sa may 3,000 mga indibidwal sa Calbayog, Samar. Sa ilalim ng CARD program, pinagkalooban ang mga senior citizens, persons with disabilities, single parents at mga mahihirap nating mga kababayan ng P5,000 na financial aid at tig-10kg na bigas. Layon ng CARD program na tiyakin… Continue reading Ilang vulnerable sector sa Samar, nabiyayaan ng ayuda at bigas sa ilalim ng CARD program sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Samar

Mga MSMEs, nabigyan ng cash assistance ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair

Umaabot sa 3,000 na mga MSMEs ang nabigyan ng tulong ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Samar sa ilalim ng SIBOL program. Bawat isang benepisyaryo at nakatanggap ng P5,000 na cash assistance at tig 5 kilogram na bigas. Patunay ito ng dedikasyon ng gobierno na palakasin ang mga maliliit na negosyante sa bansa. Sa talumpati… Continue reading Mga MSMEs, nabigyan ng cash assistance ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair

DOF, pinarangalan ng CCAP para sa tagumpay sa pagpapalago ng PH IT-BPM industry

Pinarangalan ng Contact Center Association of the Philippines (CCAP) ang Department of Finance (DOF) para sa patuloy nitong pagsuporta sa pagpapalago at pagpapalakas ng kompetisyon ng information technology at business process management (IT-BPM) industry ng Pilipinas. Iginawad ng CCAP, ang opisyal na samahan ng mga contact center sa bansa, ang isang commemorative plaque sa DOF,… Continue reading DOF, pinarangalan ng CCAP para sa tagumpay sa pagpapalago ng PH IT-BPM industry

Panibagong round ng oil price hike, nakaamba sa susunod na linggo

Nakaamba nanaman ang taas presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo. Ayon sa DOE OIMB Asst. Dir. Rodela Romero, asahan na ang nasa P0.70 – P0.90 sa gas;P0.70 – P1.00 sa diesel;P0.60 – P0.70 sa kerosene Ito naman ay bunsod ng tension sa pagitan ng Russia at Ukraine kung saan patuloy ang nangyayaring gulo.… Continue reading Panibagong round ng oil price hike, nakaamba sa susunod na linggo

TESDA, nakipagtulungan sa DOLE para mapalakas ang employment at skills training

Pumirma ng isang Joint Memorandum Agreement ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at ang Department of Labor and Employment (DOLE) hinggil sa Data Sharing Agreement (DSA) para mapalakas ang skills training, career guidance, at employment support para sa mga Filipino workers. Ang naturang kolaborasyon ay makakagawa ng mas integrated approach pagdating sa employment… Continue reading TESDA, nakipagtulungan sa DOLE para mapalakas ang employment at skills training

BuCor DG Catapang, may babala sa mga tauhan nitong lalabag sa mga bagong patakaran ng kanilang ahensya

Inatasan ni Bureau of Corrections (BuCor), Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang lahat ng superintendents, directors of operating prisons, at heads of offices nito na tiyaking susunod sa no cellphone and social media policy ang kanilang mga tauhan. Ayon kay Catapang ang sinomang tauhan ng BuCor na mapapatunqyang lumabag sa kanilang regulasyon ay… Continue reading BuCor DG Catapang, may babala sa mga tauhan nitong lalabag sa mga bagong patakaran ng kanilang ahensya

AFP Chief, may babala sa mga nagtatangkang isabotahe ang Halalan 2025

Handa na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ipatupad ang buong puwersa nito laban sa mga grupo o indibiduwal na magtatangkang pabagsakin ang halalan 2025. Sa Change of Command ng Western Mindanao Command (WESMINCOM), inatasan ni AFP Chief of Staff, Gen. Romeo Brawner Jr ang mga sundalo na maghanda. Sabay kasi aniyang isasagawa… Continue reading AFP Chief, may babala sa mga nagtatangkang isabotahe ang Halalan 2025

UAE, namahagi ng 1,000 food boxes sa Batangas

Namahagi ang United Arab Emirates o UAE ng isang libong food boxes sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Kristine sa Agoncillo, Batangas, kamakalawa. Ayon sa pabatid ng DSWD Calabarzon, pinangunahan ito ni First Secretary Obaid Ahmed Alshehhi ng Embahada ng UAE sa Pilipinas. Bawat food box ay naglalaman ng bigas, tubig, gatas, kape, at pagkaing… Continue reading UAE, namahagi ng 1,000 food boxes sa Batangas