DTI, target na palakasin ang mga MSMEs sa Northern Luzon

Target ng Department of Trade and Industry na makapagtatag ng karadagang negosyo centers at One-town, One-Product o OTOP Hub sa Northern Luzon. Sa ginawang pagdinig ng House Committee on North Luzon Growth Quadrangle, nagbigay ng update ang DTI sa mga komite ng kanilang mga nakalinyang proyekto at programa sa susunod na taon. Sa ngayon mayroong… Continue reading DTI, target na palakasin ang mga MSMEs sa Northern Luzon

House leader, nangako na maipagkakaloob ang hustisya sa mga biktima ng serye ng pagpatay sa Pampanga

Ipinangako ni Senior Deputy Speaker Aurelio Dong Gonzales Jr. na maisisilbi ang hustisya sa mga biktima ng serye ng pagpatay sa probinsya ng Pampanga. Sa pagdinig ng House Committee on Public Order and Safety, tinalakay ang inihaing House Resolution No. 2086, hingil sa mga naganap na pagpatay sa ikatlong Distrito ng Pampanga. Ayon sa mga… Continue reading House leader, nangako na maipagkakaloob ang hustisya sa mga biktima ng serye ng pagpatay sa Pampanga

Senate Committee on Finance Chairperson Sen. Grace Poe, tiniyak na mabibigyan ng sapat na oras ang mga senador para mabasa ang reconciled version ng Budget Bill

Nagbigay ng katiyakan si Senate Committee on Finance Chairperson Senador Grace Poe na mabibigyan ng sapat na panahon ang mga mambabatas para basahin at rebyuhin ang magiging pinal na bersyon ng 2025 General Appropriations Bill (GAB). Ito ang naging tugon ni Poe sa mosyon ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa pagbubukas ng Bicam meeting… Continue reading Senate Committee on Finance Chairperson Sen. Grace Poe, tiniyak na mabibigyan ng sapat na oras ang mga senador para mabasa ang reconciled version ng Budget Bill

Pangalan ni dating Caloocan City Rep. Edgar Erice, hindi pa aalisin ng Comelec sa balota

Nilinaw ni Chairperson George Erwin Garcia ng Commission on Elections (Comelec) na mananatili pa rin sa balota ang pangalan ni dating Caloocan City Representative Edgar Erice bilang kandidato ng ikalawang distrito.  Ayon kay Garcia, hindi pa naman final and executory ang desisyon ng Comelec na nagdi-disqualify kay Erice bilang kandidatong kinatawan ng lungsod.  Maaari naman… Continue reading Pangalan ni dating Caloocan City Rep. Edgar Erice, hindi pa aalisin ng Comelec sa balota

PNP, handang harapin ang kaso na isasampa sa kanila ni VP Sara Duterte

Welcome sa Philippine National Police (PNP) ang mga kasong isasampa sa kanila ni Vice President Sara Duterte. Ayon kay PNP- Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director, Police MajorGeneral Nicolas Torre III, handa silang harapin ang kaso. Aniya, karapatan naman ng bawat isa na magsampa ng kaso kaya kanila itong ginagalang. Subalit, sinabi ni Torre… Continue reading PNP, handang harapin ang kaso na isasampa sa kanila ni VP Sara Duterte

Party-list solon, nanawagan ng agarang suporta para sa mga solo parent sa panahon ng kalamidad

Nanawagan si House Deputy Minority leader at bagong Henerasyon Representative Bernadette Herrera para sa agarang suporta sa mga solo parent, lalo na tuwing may kalamidad na dumaraan sa bansa. Binigyang diin ni Herrea ang matinding hamon na kinahaharap ng mga solo parent sa gitna ng krisis, at ang pangangailangan ng mabilis na aksyon mula sa… Continue reading Party-list solon, nanawagan ng agarang suporta para sa mga solo parent sa panahon ng kalamidad

Bicameral Conference Committee meeting para sa 2025 Budget Bill, sinimulan na

Binuksan na ng Bicameral Conference Committee ang deliberasyon sa ₱6.352-trillion 2025 General Appropriations Bill (GAB). Dito sa Bicam pagkakasunduin ng Senado at Kamara ang mga hindi magkakatugmang probisyon ng kani-kanilang bersyon ng 2025 Budget Bill. Sa panig ng Senado, tumatayong chair ng Senate contingent sa Bicam si Senate Committee on Finance Chairperson Grace Poe, habang… Continue reading Bicameral Conference Committee meeting para sa 2025 Budget Bill, sinimulan na

Speaker Romualdez, hinikayat ang bicam panel na pagtibayin ang budget kung saan una ang mga Pilipino

Hinimok ni House Speaker Martin Romualdez ang Bicameral Conference Committee na tiyakin na ang mapagtitibay na 2025 national budget ay uunahin ang pangangailangan ng mga Pilipino. Naniniwala ang lider ng Kamara na bagamat may magkaibang pamamaraan ang dalawanag kapulungan ng Kongreso, iisa naman dapat ang maging mithiin nito. “This is where we prove that we’re… Continue reading Speaker Romualdez, hinikayat ang bicam panel na pagtibayin ang budget kung saan una ang mga Pilipino

Mga senador, tiwala sa pagiging propesyonal ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas

Tiwala sina Sen. Grace Poe at Sen. Christopher ‘Bong’ Go na mananatiling propesyonal ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa gitna ng nangyayaring tensyon ngayon sa pulitika sa bansa. Ito ay sa gitna na rin ng panawagan ng ilan na makialam na ang militar sa sitwasyon. Giit ni Poe, dapat tandaang may sinumpaang tungkulin ang AFP… Continue reading Mga senador, tiwala sa pagiging propesyonal ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas

Pagdinig sa pagpapatupad ng Universal Health Care Law, planong ikasa

Plano ni Sen. JV Ejercito na magpatawag ng Oversight Committee hearing tungkol sa pagpapatupad ng Universal Health Care Law. Ayon kay Ejercito, papasok na tayo sa ika-5 taon ng pagpapatupad ng naturang batas kaya naman napapanahon nang silipin ang ginagawa sa implementasyon nito. Sa susunod na taon balak ng senador na ikasa ang naturang pagdinig.… Continue reading Pagdinig sa pagpapatupad ng Universal Health Care Law, planong ikasa