Paghahain ng impeachment case laban sa VP, wala sa agenda ng Kamara

Nanindigan ang liderato ng Kamara na wala sa agenda ng kapulungan ang paghahain ng impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte. Sa inilabas na pahayag nina Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., Deputy Speaker David Suarez, at Majority Leader Manuel Jose Dalipe, ang tanging focus ngayon ng Kamara ay maliwanagan sa paggamit ng confidential… Continue reading Paghahain ng impeachment case laban sa VP, wala sa agenda ng Kamara

Camarines Sur solon, nanawagan sa CSC na magtakda ng gantimpala para sa mga kawani ng gobyerno

Nanawagan si Camarines Sur Representative LRay Villafuerte sa Civil Service Commission (CSC) na ipatupad ang batas na nagtatakda ng taunang pagkilalala at gantimpala, para sa mga natatanging opisyal at empleyado ng gobyerno alinsunod sa Republic Act 6713. Sa confirmation hearing ng Commission on Appointment (CA) para sa ad interim appointment ni Marilyn Barua-Yap bilang Chairperson… Continue reading Camarines Sur solon, nanawagan sa CSC na magtakda ng gantimpala para sa mga kawani ng gobyerno

Deputy Majority Leader Ortega, nadismaya sa pagka-arogante ni VP Sara na hindi hinarap ang subpoena ng NBI

Binatikos ni House Deputy Majority Leader Paolo Ortega ang pagsuway ni VP Sara Duterte subpoena na inilabas ng National Bureau of Investigation (NBI). Aniya, insulto sa mga oridnaryong Pilipino na sumusnod na batas ang pagiging arogante ng bise. “By refusing to comply with the subpoena, she is sending a message: ‘The law doesn’t apply to… Continue reading Deputy Majority Leader Ortega, nadismaya sa pagka-arogante ni VP Sara na hindi hinarap ang subpoena ng NBI

Pahayag ni PBBM ukol sa paghahain ng impeachment complaint vs. VP, pinuri ng mga mambabatas

Iginagalang ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ukol sa mga hakbang na maghain ng impeachment complaint laban sa bise presidente. Paliwanag kasi ni PBBM, wala naman maitutulong ang paghahain ng impeachment case sa layunin ng pamahalaan na mapabuti ang pamumuhay ng mga Pilipino. Sabi ni… Continue reading Pahayag ni PBBM ukol sa paghahain ng impeachment complaint vs. VP, pinuri ng mga mambabatas

Higit sa 5,000 Agrarian Reform Beneficiary sa Capiz, tumanggap ng CLOA, E-Title, at Certificates of Condonation

Wala nang utang pang-agraryo ang 4,630 na ARB mula sa lalawigan ng Capiz. Ito ay kasunod ng pormal na pamamahagi ng Department of Agrarian Reform (DAR) ng kanilang Certificates of Condonation with Release of Mortgage (CoCRoM). Ayon sa DAR Western Visayas, umabot sa higit P237 milyon ang kabuuang utang kasama ang interes at surcharges ng… Continue reading Higit sa 5,000 Agrarian Reform Beneficiary sa Capiz, tumanggap ng CLOA, E-Title, at Certificates of Condonation

House Blue Ribbon Committee, hindi nagkulang sa pagbibigay abiso na kanselado ang pagdinig ngayong araw

Nanindigan si House Blue Ribbon Committee Chair Joel Chua na nabigyan ng abiso ang lahat ng resource person ukol sa pagdinig ng Komite, kasama na ang Office of the Vice President, na kanselado ang hearing ngayong araw. Ayon kasi sa legal counsel ni Vice President Sara Duterte, late na nalaman ng bise ang kanselasyon ng… Continue reading House Blue Ribbon Committee, hindi nagkulang sa pagbibigay abiso na kanselado ang pagdinig ngayong araw

Moratorium sa pagbabayad ng utang ng mga guro at school personnel na apektado ng mga nagdaang kalamidad, inihirit ng DepEd

Inihirit ng Department of Education (DepEd) sa mga pribadong financial institutions na huwag munang singilin sa pagkakautang ang mga guro at non-teaching personnel na apektado ng magkakasunod na kalamidad. Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, layon nito na matulungan ang mga guro at school personnel na makabangon mula sa epektong dulot sa kanila ng mga… Continue reading Moratorium sa pagbabayad ng utang ng mga guro at school personnel na apektado ng mga nagdaang kalamidad, inihirit ng DepEd

Bank lending ng mga bangko sa bansa, lumago ng 10.6% noong Oktubre 2024

Lumago ang 10.6 percent year-on-year ng mga pautang ng universal at commercial banks ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa buwan ng October 2024. Bahagyang mas mabagal ito kumpara sa 11.0% na paglago noong Setyembre. Sa buwanang batayan na may pagsasaayos para sa seasonality, tumaas ng .9% ang mga outstanding loan ng mga bangko… Continue reading Bank lending ng mga bangko sa bansa, lumago ng 10.6% noong Oktubre 2024

Sinimulan na ng mga pari, layco, madre, at ibang personalidad ang pagpapakilala ng Clergy for Good Governance

Ito ay para tugunan ang iba’t ibang isyu na kinakaharap ng bansa na may kinalaman sa moralidad, espiritwal, at maging pulitikal. Ang Clergy of Good Governance ay binubuo ng 211 na mga pari sa buong bansa. Bago ang launching, isang misa ang ginawa sa Immaculate Concepcion Cathedral sa QC na dinaluhan ng iba’t ibang personalidad… Continue reading Sinimulan na ng mga pari, layco, madre, at ibang personalidad ang pagpapakilala ng Clergy for Good Governance

Pangulong Marcos, hindi isinasara ang posibilidad na magkaayos muli sila ni VP Sara

Hindi inaalis ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang posibilidad na magka-kaayos pa sila ni Vice President Sara Duterte. Pahayag ito ng Pangulo, kasunod na rin ng mga hindi magagandang salita at banta na nabitiwan ng bise presidente sa Pangulo, at kay First Lady Liza Araneta-Marcos. Sa ambush interview sa Pangulo sa Quezon, natanong kung… Continue reading Pangulong Marcos, hindi isinasara ang posibilidad na magkaayos muli sila ni VP Sara