Mahigit ₱11-M makabagong kagamitan, nai-turnover na sa PNP para sa pagpapalakas ng kanilang logistical at operational performance

Personal na tinanggap ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil ang nasa ₱11-milyong halaga ng makabagong kagamitan mula sa PNP Foundation Incorporated. Pinangunahan ni PNP Foundation Inc. President at dating Senador Panfilo Lacson ang turnover ng mga bagong desktop computer, printers, CCTV systems, at iba pa. Kasama rin sa ibinigay na donasyon… Continue reading Mahigit ₱11-M makabagong kagamitan, nai-turnover na sa PNP para sa pagpapalakas ng kanilang logistical at operational performance

Ilang mamimili, sang-ayon sa paglalagay ng Kadiwa rice sa mga palengke

Pabor ang ilang mamimili sa Mega Q-Mart, Quezon City sa plano ng Department of Agriculture (DA) na maglagay ng mga Kadiwa rice sa mga malalaking palengke para tapatan ang sobrang mahal na ibinebentang bigas. Ayon kay Tatay Francisco, dapat lang na ilapit sa mga mamimili ang opsyon na murang bigas at hindi lang ito maging… Continue reading Ilang mamimili, sang-ayon sa paglalagay ng Kadiwa rice sa mga palengke

SSS, itinakda na ang pamamahagi ng 13th Month Pay para sa mga pensioner nito

Inanunsyo na ngayon ng Social Security System (SSS) ang iskedyul para sa nakatakdang pamamahagi ng “13th Month Pay” para sa mga pensioner nito. Ayon sa SSS, sabay nang matatanggap ng mga pensioner ang kanilang 13th Month Pay na katumbas ng isang buwan na pensyon at kanila pang pensyon para sa buwan ng Disyembre. Sa December… Continue reading SSS, itinakda na ang pamamahagi ng 13th Month Pay para sa mga pensioner nito

DA Bicol, nagbigay tulong sa mga magsasakang naapektuhan ng Bagyong Pepito sa Catanduanes

Sa ilalim ng Quick Response Fund (QRF), nakapamahagi ng tulong para sa mga magsasaka sa buong isla ng Catanduanes na naapektuhan ng super bagyong Pepito ang Department of Agriculture (DA) Bicol. Ito ay upang muling mapalakas ang sektor ng agrikultura at matulungan ang mga magsasaka sa pagpapabuti ng kanilang produksyon sa kabila ng pinsalang iniwan… Continue reading DA Bicol, nagbigay tulong sa mga magsasakang naapektuhan ng Bagyong Pepito sa Catanduanes

PNP Bicol, naghatid ng tulong sa mga miyembro ng kapulisan na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo sa Bicol

Patuloy ang isinasagawang pamamahagi ng tulong pinansyal ng Police Regional Office 5 (PRO5) sa pamumuno ni Police Brigadier General (PBGEN) Andre P. Dizon, Regional Director, para sa mga kapwa pulis na nasalanta ng bagyong “Pepito.” Ayon sa PRO5, nakatanggap ng tulong pinansyal ang 24 na miyembro ng kapulisan mula sa Regional Headquarters Unit (RHQ) na… Continue reading PNP Bicol, naghatid ng tulong sa mga miyembro ng kapulisan na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo sa Bicol

Intertropical Convergence Zone sa Shear Line, magdudulot ng malakas na pag-ulan

Naglabas ng Weather Advisory No. 14 ang PAGASA ngayong November 29, 2024, alas-5 ng umaga, kaugnay ng inaasahang malakas na pag-ulan dulot ng Intertropical Convergence Zone at Shear Line. Ayon sa abiso, makararanas ng malalakas hanggang matitinding pag-ulan ngayong araw, November 29, sa mga lugar tulad ng Eastern Samar, Dinagat Islands, at Surigao del Norte,… Continue reading Intertropical Convergence Zone sa Shear Line, magdudulot ng malakas na pag-ulan

2,000 sako ng murang bigas, muling ibebenta sa NIA Central Office ngayong araw

Patuloy na pinipilahan sa Central Office ng National Irrigation Administration (NIA) ang bentahan ng Bagong Bayaning Magsasaka (BBM) Rice.  Ayon sa NIA, nasa 2,000 bags ng ₱29 per kilo ng bigasang nakatakda nitong ibenta ngayong Biyernes. Bunga pa rin ito ng Rice Contract Farming Program ng ahensya kung saan tinutulungan ang mga magsasaka na mapababa… Continue reading 2,000 sako ng murang bigas, muling ibebenta sa NIA Central Office ngayong araw

Panukala para iurong ang petsa ng BARMM elections, lusot na sa komite ng Kamara

Aprubado na sa House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang panukalang batas para iurong ang first regular elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Batay sa pinag-isang panukala, imbes na sa May 12, 2025 ay gagawin na ito sa May 11, 2026. Ang paglusot ng panukala sa komite ay kasunod ng pagbasura… Continue reading Panukala para iurong ang petsa ng BARMM elections, lusot na sa komite ng Kamara

Paglipat ng mahigit 60 pulis mula Davao sa ibang Police Regional Office, walang kinalaman sa politika — PNP

Nagpaliwanag ang Philippine National Police (PNP) sa nangyaring re-assignment ng mga pulis mula Davao City patungo sa ibang Police Regional Office. Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Brig. Gen. Jean Fajardo, ngayon lamang lumabas ang desisyon hinggil sa re-assignment dahil sa usapin ng “double blotter.” Aniya, natagalan kasi ang ginawang imbestigasyon kaya’t naapektuhan… Continue reading Paglipat ng mahigit 60 pulis mula Davao sa ibang Police Regional Office, walang kinalaman sa politika — PNP

Pangangalaga sa ngipin, isinama na rin ng PhilHealth sa health benefits package nito

Masayang ibinalita ni Health Sec. Teodoro Herbosa na pasok na rin sa bagong health benefits package ang pangangalaga sa ngipin. Ito ay matapos aprubahan nina Secretary Herbosa at ng Philippine Health Insurance Corporation Board of Directors en banc ang unang preventive oral healthcare benefit package ng bansa. Ito ay idinisenyo upang magbayad para sa taunang… Continue reading Pangangalaga sa ngipin, isinama na rin ng PhilHealth sa health benefits package nito