Napabilang ang limang kabataang magsasaka mula sa rehiyon ng Zamboanga Peninsula sa 50 trainees na ipinadala ng Agricultural Training Institute (ATI) para sa Filipino Young Farmers Internship Program (FYFIP), sa bansang Taiwan.
Isinagawa ang send-off ceremony ng trainees sa RDEC Function Hall ng ATI Compound sa Diliman, Quezon City kamakailan.
Nagsimula kahapon, Nobyembre 12 at magpapatuloy hanggang sa Oktubre 12 ng susunod na taon ang nasabing programa.
Ang internship program ay sa pakikipag-ugnayan ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) at ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO).
Ikinagagalak ng ATI Region IX, na nakumpleto ng limang trainees mula sa naturang rehiyon ang mga serye ng pagsasanay, at nakapasa ang mga ito sa mga isinagawang eksaminasyon para sa nasabing programa. | ulat ni Justin Bulanon, Radyo Pilipinas Zamboanga
📷 ATI Region IX