Umabot sa 50 tonelada ng basura ang nakolekta sa iba’t ibang sementeryo sa Metro Manila sa panahon ng Undas.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), katumbas ito ng 2,347 na garbage bags o 12 truckloads ng basura na naipon mula October 26 hanggang November 4.
Nasa 380 tauhan mula sa Metro Parkways Clearing Group ang itinalaga para sa paglilinis ng mga sementeryo.
Ang paglilinis sa mga sementeryo ay isa sa mga taunang gawain ng MMDA sa ilalim ng Oplan Undas para matiyak ang kalinisan at kaayusan sa mga sementeryo sa buong Metro Manila.
Hinikayat naman ng MMDA ang publiko na makiisa sa pagpapanatili ng kalinisan sa rehiyon sa pamamagitan ng pagtatapon ng basura sa tamang lugar. | ulat ni Diane Lear