Inanunsyo ng Department of Justice na pinirmahan ni Pang. Bongbong Marcos Jr. ang parole at executive clemency sa 509 na mga bilanggo sa ilalim ng pamamahala ng Bureau of Correction.
Ito ang masayang ibinalita ni Sec. Jesus Crispin Remulla ng Department of Justice kaalinsabay ng pagdiriwang ng 30th National Correctional Consciousness Week.
Sabi ng Kalihim, ang pagpapalaya sa 509 na mga Persons Deprived of Liberty ay dahil sa pagsisikap ng pamahalaan na mapaluwag anv mga bilangguan sa bansa.
Ang mga palalayain na mga PDL ay naging kwalipikadong mabigyan ng parole at executive clemency dahil sa naipakita nitong kabutihang asal sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance habang nasa correctional.
Bukod sa pagpapalaya sa kanila, may isasagawa ring job fair ang Bureau of Correction sa mga nabigyan ng executive clemency. | ulat ni Michael Rogas