Aabot sa 55 electric cooperatives (ECs) mula sa 35 lalawigan sa bansa ang apektado ng hagupit ng Super Bagyong Pepito ayon sa National Electrification Administration (NEA).
Sa tala ng NEA Disaster Risk Reduction and Management Department (DRRMD), dalawang electric coop ang nagpatupad ng total power interruption, habang 19 ang partial power interruption.
Nasa 613 na munisipalidad naman na o katumbas ng 91.63% ang fully o partially energized na.
Sa lalawigan ng Catanduanes, tinatayang nasa 60,657 consumers ang naapektuhan ng manual shutdown.
Samantala, ongoing naman na ang power restoration sa Camarines Sur Electric Coop para maibalik ang suplay ng kuryente sa higit 96,000 consumers. | ulat ni Merry Ann Bastasa