Tiniyak ng Office of Civil Defense (OCD) na nagpapatuloy ang pagpapadala ng tulong sa mga sinalanta ng bagyong Leon sa Batanes at Cagayan Valley.
Sa isang pahayag, sinabi ni OCD Region 2 Director Leon Rafael, na naging malala ang pinsala ng bagyo sa mga nabanggit na lugar, partikular na sa mga kabahayan at pananim. Handa rin aniyang magpadala ng mga tauhan ang OCD para tumulong sa Cagayan Valley at Batanes.
Kasalukuyan na aniyang nakikipag ugnayan ang ahensya sa Batanes Local Government upang malaman ang lawak ng pinsala sa lugar.
Sa ngayon ay humupa na ang baha sa ilang lugar sa Cagayan Valley at nakararanas na ng maayos na panahon, kaya naman ilan rin aniyang residente sa lugar ang bumibisita na sa mga sementeryo ngayong Undas. | ulat ni Diane Lear