Hinamon ng dating City Councilor na si Atty. Ian Sia si Pasig City Mayor Vico Sotto na ipaliwanag ang nabunyag kamakailan na isa sa mga tauhan nito ang nagmamantini ng troll army.
Ayon kay Sia, posibleng ang Executive Assistant sa Office ng City Administrator na si Maurice Mikkelsen Philippe Camposano ang responsable sa paninira sa mga kalaban ni Sotto mula pa 2019.
Naniniwala ito na hanggang ngayon, ginagamit pa ni Camposano ang iba’t ibang social media pages upang siraan ang mga bagong kalaban ng alkalde.
Nauna nang nag-post si Mayor Vico at sinabing biktima siya ng troll farms ngunit kabaliktaran aniya ito, dahil ang alkalde aniya ang gumagawa nito at isa ang abogado sa naging biktima noon.
Base sa kanilang imbestigasyon, lumilitaw na ang residential at email address ni Camposano sa linked-in public account nito ay pareho sa ginagamit nito sa pagbabayad ng mga troll accounts.
Ikinababahala ni Sia ay baka pinag-resign na ito ng alkalde, ngunit kakasuhan umano nila at iba pang naging mga biktima ni Camposano. | ulat ni Rey Ferrer