Bagyong Nika, nag-landfall na; patuloy na tinutumbok ang Northern Luzon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matapos itong mag-landfall sa Aurora, patuloy na tinatahak ng Typhoon Nika ang Northern Luzon.

Batay sa 11am forecast ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa vicinity ng San Agustin, Isabela taglay ang lakas ng hanging aabot sa 130km/h malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 160km/h.

Nakataas pa rin ang Signal no. 4 sa maraming lugar sa:

Luzon kabilang ang northernmost portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran), central at southern portions ng Isabela (Dinapigue, San Mariano, San Guillermo, Jones, Echague, Ramon, San Isidro, City of Santiago, Cordon, Roxas, Burgos, Reina Mercedes, Naguilian, Benito Soliven, Gamu, San Manuel, Aurora, San Mateo, Cabatuan, Alicia, Luna, City of Cauayan, Angadanan, Quezon, Mallig, Quirino, Ilagan City, Delfin Albano, San Agustin), Kalinga, Mountain Province, northern portion ng Ifugao (Aguinaldo, Mayoyao, Alfonso Lista, Banaue, Hungduan, Hingyon, Lagawe), central at southern portion ng Abra (Manabo, Pidigan, San Juan, Tayum, Langiden, Luba, Boliney, Sallapadan, Bucloc, Lagangilang, Tubo, Danglas, Villaviciosa, La Paz, Licuan-Baay, Pilar, Malibcong, Pe, San Isidro, Daguioman, San Quintin, Dolores, Lagayan, Bangued, Bucay, Lacub), at northern at central portions ng Ilocos Sur (Cabugao, Sinait, San Juan, San Emilio, Lidlidda, Banayoyo, Santiago, San Esteban, Burgos, Santa Maria, Magsingal, San Vicente, Santa Catalina, Nagbukel, San Ildefonso, City of Vigan, Caoayan, Santa, Bantay, Santo Domingo, Narvacan, Quirino, Cervantes, Sigay, Salcedo, Santa Lucia, City of Candon, Galimuyod, Gregorio del Pilar, Santa Cruz).

Nasa Signal no. 3 naman sa:

Central portion ng Aurora (Dinalungan), northern portion ng Quirino (Diffun, Cabarroguis, Aglipay, Saguday, Maddela), northeastern portion ng Nueva Vizcaya (Diadi, Bagabag, Quezon, Solano, Villaverde, Kasibu, Ambaguio, Bayombong), nalalabing bahagi ng Isabela, southwestern portion ng Cagayan (Enrile, Solana, Tuao, Tuguegarao City, Rizal, Piat), southern portion ng Apayao (Conner, Kabugao), nalalabing bahagi ng Abra, nalalabing bahagi ng Ifugao, northern portion ng Benguet (Buguias, Mankayan, Bakun), southern portion ng Ilocos Norte (Laoag City, Sarrat, San Nicolas, Piddig, Marcos, Nueva Era, Dingras, Bacarra, Solsona, Paoay, Currimao, Pinili, Badoc, City of Batac, Banna), at nalalabing bahagi ng Ilocos Sur.

Nasa ilalim din ng Signal no. 2 ang mga lalawigan sa:

Northwestern at eastern portions ng Cagayan (Iguig, Peñablanca, Baggao, Alcala, Amulung, Santo Niño, Gattaran, Lasam, Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Allacapan, Ballesteros, Lal-Lo, Aparri, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Gonzaga), nalalabing bahagi ng Nueva Vizcaya, nalalabing bahagi ng Quirino, nalalabing bahagi ng Apayao, nalalabing bahagi ng Benguet, nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, La Union, northeastern portion ng Pangasinan (San Nicolas, Natividad, San Quintin, Sison, San Manuel, Umingan, Tayug), central portion of Aurora (Dipaculao, Maria Aurora, Baler), at northern portion ng Nueva Ecija (Carranglan, Pantabangan, Lupao, San Jose City).

Habang umiiral ang Signal no. 1 sa:

Babuyan Islands, nalalabing bahagi ng mainland Cagayan, nalalabing bahagi ng Pangasinan, nalalabing bahagi ng Aurora, nalalabing bahagi ng Nueva Ecija, Bulacan, Pampanga, Tarlac, northern at central portions ng Zambales (Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig, Iba, Botolan, Cabangan, San Marcelino, San Felipe, San Narciso), Metro Manila, Rizal, eastern portion ng Laguna (Santa Maria, Mabitac, Pakil, Pangil, Famy, Siniloan, Paete, Kalayaan, Cavinti, Lumban, Luisiana, Santa Cruz, Magdalena, Pagsanjan, Pila), northern at eastern portions ng Quezon (Infanta, Sampaloc, Mauban, Real, General Nakar) kabilang ang Pollilo Islands.

Ayon sa PAGASA, patuloy na tatahak sa mainland Luzon ang Bagyong Nika ngayong araw na direktang makakaapekto sa Northern at Central Luzon.

Inaasahang lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas ng umaga o hapon.

Patuloy namang nakatutok ang PAGASA sa bagyo sa labas ng PAR na lumakas pa. Inaasahang papasok ito sa bansa bukas at tatawaging bagyong Ofel. Inaasahan ding aabot ito sa Typhoon category. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us