Patuloy na kumikilos pa-hilagang kanluran sa West Philippine Sea ang Bagyong Pepito.
Huli itong namataan sa layong 145 km kanluran ng Sinait, Ilocos taglay ang lakas ng hanging aabot sa 130 km/h malapit sa gitna at pagbugsong hanggang sa 160 km/h.
Nakataas pa rin ang Signal no. 3 sa:
northern at western portions ng Ilocos Sur (Gregorio del Pilar, Magsingal, San Esteban, Banayoyo, Burgos, City of Candon, Santa Lucia, Santiago, San Vicente, Santa Catalina, Lidlidda, Nagbukel, Sinait, Suyo, Sigay, San Ildefonso, Galimuyod, City of Vigan, San Emilio, Cabugao, Caoayan, San Juan, Santa, Bantay, Santo Domingo, Tagudin, Santa Cruz, Santa Maria, Narvacan, Salcedo), northwestern portion ng La Union (Luna, Bangar, Balaoan, Bacnotan), at ng western portion ng Abra (San Quintin, Langiden, Pidigan, Pilar).
Signal no. 2 naman ang umiiral sa Ilocos Norte, nalalabing bahagi ng Ilocos Sur, nalalabing bahagi ng La Union, Pangasinan, nalalabing bahagi ng Abra, western portion ng Mountain Province (Besao, Tadian, Sagada, Bauko), Benguet, at northern portion ng Zambales (Santa Cruz, Candelaria).
Habang Signal no. 1 sa Apayao, Kalinga, nalalabing bahagi ng ng Mountain Province, Ifugao, western portion ng Cagayan (Lasam, Santo Niño, Solana, Enrile, Tuao, Piat, Rizal, Allacapan, Ballesteros, Abulug, Pamplona, Claveria, Santa Praxedes, Sanchez-Mira), Nueva Vizcaya, northern at central portions ng Nueva Ecija (Bongabon, San Leonardo, Cabanatuan City, Santa Rosa, Jaen, Cuyapo, Talavera, Santo Domingo, Rizal, Zaragoza, Llanera, Guimba, Aliaga, Pantabangan, Science City of Muñoz, General Mamerto Natividad, Carranglan, Quezon, San Jose City, Lupao, Nampicuan, Talugtug, Licab, San Antonio, Palayan City, Laur), Tarlac, and the central portion of Zambales (Botolan, Iba, Cabangan, Palauig, Masinloc).
Nananatili pa rin ang storm surge warning sa coastal localities ng Ilocos Region, Isabela at Central Luzon at nananatili ring nakataas ang gale warning sa eastern seaboards ng Northern Luzon at western seaboard ng Central Luzon.
Ayon sa PAGASA, inaasahang lalabas na ng PAR ang Bagyong Pepito ngayong umaga o tanghali.
Magpapatuloy din ang paghina ng Bagyong Pepito habang nasa West Philippine Sea at posibleng maging isang *remnant low* na lamang pagsapit ng Miyerkules.