Bumaba na ang bilang ng mga nagtutungo sa limang sementeryo at mga columbarium sa Quezon City ngayong All Souls Day, Nobyembre 2.
Sa monitoring ng Quezon City Police District (QCPD), hanggang alas-9:00 kaninang umaga, may 21,228 katao ang pumasok sa limang sementeryo. Mas mababa ito kumpara sa ganitong oras nitong Boyernes, Nobyembre 1.
Sa Himlayang Pilipino, may 2,627 katao pa ang dumalaw sa puntod ng kanilang mahal sa buhay, habang sa Recuerdo Memorial Garden ay 280.
Aabot naman sa 9,569 katao ang dumating at bumisita sa Holy Cross Manila Memorial Park, 7,264 sa Bagbag Public Cemetery at 1,488 sa Novaliches Public Cemetery.
Ayon sa pulisya, asahan pa hanggang maghapon ang pagdating ng iba pa para dumalaw sa puntod kanilang yumao. | ulat ni Rey Ferrer