Inatasan ni Bureau of Corrections (BuCor), Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang lahat ng superintendents, directors of operating prisons, at heads of offices nito na tiyaking susunod sa no cellphone and social media policy ang kanilang mga tauhan.
Ayon kay Catapang ang sinomang tauhan ng BuCor na mapapatunqyang lumabag sa kanilang regulasyon ay mahaharap sa karampatang kasong administratibo.
Matatandaang una nang pinag utos ni Catapang ang pagbabawal ng pag gamit ng SocMed at cell phone ng mga tauhan nito sa loob ng lahat ng piitan ng Bureau of Corrections.
Pero sa kabila nito ay nagbigay naman ng alternatibong pamamaraan ang BuCor para sa mga tao nito na makapag usap at makapag padala ng mga sulat.
Ito ay sa pamamagitan ng official BuCor emails, gaya ng Gmail o Yahoo.
Sa pamamagitan anila ng mga ganitong pammaaraan ay magtutuloy tuloy ang komunikasyon sa BuCor habang nagpapatuloy din ang maayos na security protocols. | ulat ni Lorenz Tanjoco