Nananatiling buo at matatag ang Chain of Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kabila ng ingay at bangayan sa Pulitika.
Ito ang pagtitiyak ng Hukbong Sandatahan bilang pagtalima na rin sa tagubilin ni AFP Chief of Staff, Gen. Romeo Brawner Jr na huwag malito at magpatinag sa ingay Pulitika na kinahaharap ng bansa ngayon.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, RAdm. Roy Vincent Trinidad, sa katunayan ay nakatutok sila sa external defense upang itaguyod at ipagtanggol ang soberanya ng bansa.
Binigyang diin pa nito na ngayong buwan pa lamang ay nakapagsagawa na sila ng 54 maritime activity sa WPS, na siyang patunay na sila’y tapat sa pangakong ipaglaban ang bawat Pilipino mula sa anumang banta.
Binuweltahan pa ni Trinidad ang mga naghahasik ng misinformation at disinformation laban sa AFP at iginiit na hindi sila patitinag sa mga ito. | ulat ni Jaymark Dagala