Crime rate sa Metro Manila, bumaba sa ilalim ng bagong hepe ng NCRPO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nabawasan ang mga krimeng nangyayari sa Kalakhang Maynila sa ilalim ng bagong pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pangunguna ni Police Brig. Gen. Sidney Hernia.

Ayon sa datos na inilabas ng NCRPO, simula October 9 hanggang November 4, 2024, ang naitalang Total Number of Crimes (TNC) ay bumaba sa dating 8,606 ay naging 7,649.

Giit ng NCRPO, ang naturang progreso ay nagpapakita ng kahandaan ng kampanya nila laban sa kriminalidad.

Dagdag pa ng Regional Command, bahagi din ng pagbaba ng bilang ng krimen sa Metro Manila ay strategic deployments at digital policing efforts.

Lahat anila ng nabanggit ay nagpalakas sa seguridad at kaligtasan ng buong rehiyon. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us