Crime rate sa Quezon City, bumaba mula Oktubre 2024

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsiyo ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagbaba ng walong pangunahing kategorya ng krimen sa Lungsod Quezon sa buwan ng Oktubre.

Ayon kay QCPD Acting Director Police Colonel Melecio Buslig Jr., sa loob lang ng isang buwan, 280 drug suspect ang naaresto ng pulisya at P6.66 million ang halaga ng illegal drugs ang nakumpiska.

Naging matagumpay din aniya ang mga isinagawang manhunt operations, kung saan 297 wanted persons kabilang ang 130 top-priority suspects ang nahuli.

Kabilang sa mga naaresto ay si Santiago Abengaña, na miyembro ng Balderama Theft and Robbery Group; Michael Caballero, suspect sa pagpatay sa isang Security Guard sa Ford Balintawak; at ang most wanted person ng Department of the Interior and Local Government na si Allan Baisa Bagatua, na pumatay sa City Councilor ng Las Piñas.

Nakitaan ng pagbaba ng crime rate mula Setyembre hanggang Oktubre mula sa 154 hanggang 124 na kaso.

Sabi pa ni Col. Buslig, umabot sa 97.58% ang crime clearance efficiency kung saan 121 sa 124 na naiulat na insidente ang matagumpay na naresolba. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us