Aprubado na ang dagdag sahod para sa mga minimum wage earner sa pribadong sektor sa Zamboanga Peninsula.
Ito ang inanunsyo ng DOLE-Regional Tripartite Wages and Productivity Board IX sa ginanap na press conference kahapon sa Zamboanga City.
Sa ilalim ng Wage Order No. RIX-23, nasa P33 kada araw ang inaasahang ipapatupad na minimum wage increase sa rehiyon simula ika-12 ng Disyembre ngayong taon.
Ang magiging bagong minimum wage rates para sa mga nasa ilalim ng wage category na Non-Agricultural Establishments na may 10 o higit pang manggagawa ay P414 mula sa P381 na sahod kada araw.
Mula sa P368 naman, tataas din sa P401 ang bagong minimum wage rate ng mga nasa kategoryang Agricultural Establishments na may isa hanggang siyam na manggagawa.
Matatandaang Nobyembre noong nakaraang taon nang magkaroon din ng dagdag sahod ang mga minimum wage earner sa rehiyon ng Zamboanga Peninsula. | ulat ni Shirly Espino | RP1 Zamboanga