Sumampa na sa halos dalawang milyon food packs ang naipaabot na tulong ng DSWD sa mga apektado ng mga magkakasunod na bagyo mula sa Bagyong Kristine hanggang Super Typhoon Pepito
Sa pinakahuling tala ng DSWD, aabot na sa higit P1.4M family food packs ang ibinigay sa mga pamilyang apektado ng Bagyong Kristine at Leon.
Habang nasa higit 500,000 food packs na rin ang naipamahagi sa mga apektado ng Bagyong Marce, Nika, Ofel at pati na Bagyong Pepito
Kabilang sa mga rehiyong may pinaka-malaki ang nailaan sa Bicol region, Cagayan Valley at Central Luzon na sunod sunod na tinumbok ng bagyo.
Una nang tiniyak ng DSWD ang tuloy tuloy na replenishment ng food packs para sa mga biktima ng bagyo. | ulat ni Merry Ann Bastasa