Kinumpirma ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang pagpapa-deport ng Estados Unidos kay dating PCSO General Manager Royina Garma, na nagsiwalat ng reward system kaugnay sa drug war ng nakalipas na administrasyon.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ng kaihim na nasa kustodiya ngayon ng US authorities si Garma kasama ang kaniyang anak.
“She took PR 104 last Sunday here. She arrived in the US in San Francisco. Wala siyang hold departure order; she’s not been charged with a crime kaya puwede siyang lumabas ng bansa. Kasama niya ang kaniyang anak na babae. As far as we know and we verified that, she had no departure order; she had a visa.” —Remulla.
Nakatakda itong pabalikin sa bansa bukas.
Ayon kay kalihim, bagama’t walang kasong kinakaharap si Garma, wala ring hold departure order laban dito.
Gayunpaman, kanselado ang hawak nitong visa, kasabay ng paggulong ng imbestigasyon sa Karama, kaugnay sa war on drugs ng nakaraang administrasyon.
“Apparently, in the course of the hearings ng Senate, her visa was cancelled. So nagbakasakali yata siya na pumunta roon; dumating siya America. Ang US Immigration INS, ang US INS ang nag-flag sa kaniya. Detained sila and they’re in the process of being sent home here, back here to the Philippines.” — Remulla.
Ayon sa kalihim, sa Kamara idi-deretso si Garma, sa sandaling makabalik na ito sa bansa.
“And she is the Congress’ witness so sila muna ang magha-handle sa kaniya.” —Remulla.| ulat ni Racquel Bayan