Tumatanggap pa ng aplikasyon ang Navotas Hanapbuhay Center para sa mga Small and Medium Enterprises (SMEs) na gustong sumali sa taunang Christmas Bazaar sa Lungsod ng Navotas.
Sa abiso ng Navotas City Government, gagawin ang Christmas bazaar sa Navotas City Walk and Amphitheater mula Nobyembre 21 hanggang Disyembre 22.
Dahil sa limitado lamang ang espasyo, 34 na SMEs ang papayagan na magtatampok ng kanilang produkto.
Hanggang tanghali lamang bukas, Nobyembre 7 ang deadline ng pagsusumite ng aplikasyon sa City Hall ng Navotas. | ulat ni Rey Ferrer