Discount voucher para sa pag-aaral ng ilang college students sa QC, muling binuksan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bukas na muli ang pagkakaloob ng discount voucher para sa pag-aaral sa kolehiyo ng mga residente ng District 1 sa Quezon City.

Ito ay sa pamamagitan ng partnership ng pamunuan ng STI Muñoz Edsa QC at ni QC district 1 Councilor Charm Ferrer.

Layon nitong matulungan ang mga mag-aaral na mabawasan ang kanilang gastusin sa kolehiyo.

Sa pamamagitan ng discount voucher, makakatanggap ng 20% discount ang benepisyaro sa pag-aaral sa anumang kurso sa STI Edsa Muñoz sa Quezon City.

Nagsimula ang naturang partnership noong 2022, kung saan nasa higit 300 nang mga mag-aaral sa district 1 sa QC ang nakinabang.

Ayon kay Councilor Charm Ferrer, patuloy ang pagkakaloob ng tanggapan ng discount voucher sa mga mag-aaral para mabawasan ang gastusin sa pag-aaral ng mga estudyante sa college at makapag-aral ng maayos.

Para maging kwalipokado sa programa at makakuha ng discount voucher, kailangan lamang na hindi bababa sa 2.0 ang grade ng mag-aaral at makapagsumite ng biodata at picture sa tanggapan ni Konsehal Ferrer para maiproseso ang pagkakaloob ng voucher. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us