Naka-standby na ang nasa 1.3 milyong kahon ng family food packs (FFPs) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para i-pang-augment sa mga LGU lalo na ang posibleng maapektuhan ng bagyong Marce.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, iniutos na rin nito ang tuloy-tuloy na produksyon ng FFPs sa mga resource center kabilang ang Visayas Disaster Resource Center (VDRC) sa Mandaue City, Cebu.
Pinagagana na rin ang mga hubs ng kagawaran sa Central Luzon para makatulong sa pagtataas ng stockpile sa Northern Luzon.
Sa gitna rin ng paghahanda sa bagyong Marce, tuloy-tuloy pa rin ang relief efforts ng DSWD sa mga apektado ng bagyong Kristine at Leon.
Katunayan, aabot na sa ₱832-million ang naipaabot nitong tulong sa mga apektado ng magkasunod na kalamidad. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📸 DSWD