Nakapaghatid pa ng karagdagang family food packs ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Batanes na sinalanta ng Bagyong #LeonPH.
Ayon sa DSWD Region 2 may 500 food packs ang hinatid sakay ng C295 Aircraft ng Philippine Air Force, sa ilalim ng pangangasiwa ng Office of the Civil Defense (OCD).
Habang 1,160 Family Food Packs mula sa Villamor Airbase ang ibiniyahe din sa Batanes gamit ang C-130 Aircraft ng Philippine Air Force.
Katuwang ng DSWD sa paghahatid ng family food packs ang pulisya, militar at Philippine Coast Cuard.
Sa kabuuan, umabot sa 1,660 food packs ang naihatid sa Batanes para sa mga pamilyang apektado ng Bagyong Leon.| ulat ni Rey Ferrer