DSWD, nakapaglaan na ng inisyal na P2-M assistance sa mga apektado ng bagyong Nika

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mayroon nang inisyal na higit P2 milyong halaga ng humanitarian assistance ang naihatid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Nika.

Kabilang dito ang mga ipinamahaging trak-trak na family food packs sa mga apektadong residente mula sa limang rehiyon sa bansa.

Kaugnay nito, umakyat pa sa higit 45,000 pamilya o 172,000 na indibidwal ang naapektuhan ng bagyong Nika.

Habang aabot naman sa 7,168 pamilya o katumbas ng 21,688 na indibidwal ang pansamantalang nananatili ngayon sa higit 500 evacuation centers.

Mayroon ding li,mang tahanan ang labis na napinsala ng bagyo habang 134 ang partially damaged.

Sa ngayon, tuloy-tuloy ang ginagawang relief efforts sa mga lugar na apektado ng kalamidad.

Malaki rin ang naitulong ng Mobile Command Center (MCC) ng DSWD Field Office 02-Cagayan Valley sa pagbibigay ng kuryente at internet connection sa Rescue Center ng Local Disaster Risk Reduction Office sa Santiago City, Isabela. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us