DSWD, pinaigting ang relief ops sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Pepito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sapat at hindi magkukulang ang relief supplies ng ahensya para sa mga pangangailangan ng mga apektado ng Bagyong Pepito partikular na sa lalawigan ng Catanduanes.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, ginagamit ngayon sa lalawigan ang nasa 10,000 family food packs (FFPs) na naka-preposisyon na sa Catanduanes bago pa tumama ang bagyo.

Bukod dito, may karagdagan pa aniyang 20,000-30,000 family food packs ang ipinadala sa Bicol Region na maaaring magamit din para sa Catanduanes.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Disaster Response Management Group (DRMG) at Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao na tuloy-tuloy ang isinasagawang Response and Relief Operations ng mga field office sa Ilocos, Cagayan Valley, at Bicol Region sa mga apektadong pamilya kabilang ang mga kinailangang ilikas sa kasagsagan ng bagyong Pepito.

Una na ring nagbigay ng direktiba ang DSWD chief sa DRMG at National Resource and Logistic Management Bureau (NRLMB) na tiyakin na hindi magkukulang ang produksyon ng FFPs habang patuloy na nararanasan ang hagupit ng bagyong Pepito. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us