DSWD, tuloy ang paglalatag ng relief goods sa gitna ng pananalasa ng bagyong Nika

Facebook
Twitter
LinkedIn

May 10,000 family food packs (FFPs) ang inilatag ngayong araw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga satellite warehouse sa SWAD Aurora at Baler sa Aurora.

Ang hakbang na ito ng DSWD ay bilang paghahanda sa epekto ng bagyong Nika.

Kasabay nito ang inihandang 1,000 family food packs na ipapamahagi sa Dilasag, Aurora na bahagi rin ng prepositioning efforts ng ahensya.

Ngayong araw din ay ide-deploy ng DSWD ang kanilang Mobile Command Center sa Santiago Isabela.

May nauna nang idineploy ang ahensya ng Command Center sa Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region, para makatulong sa paghahatid ng impormasyon.

Maaari ding magamit ito ng publiko, lalo na sa mga nawalan ng kuryente at internet para makapag connect at charge ng mga gadget habang nananalasa si bagyong Nika. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us