Halos P78-M halaga ng iligal na droga, nasabat ng PNP-DEG noong Oktubre

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa halos P78 milyon halaga ng iligal na droga ang nasabat ng Philippine National Police Drug Enforcement Group o PNP-DEG noong Oktubre.

Ayon kay PDEG Chief Brigadier General Eleazar Matta, nagsagawa ang kanilang grupo ng 71 operasyon mula October 1 hanggang 31, kung saan 80 drug personalities ang kanilang naaresto.

Sa kanilang mga operasyon, nakumpiska nila ang 3,502.20 gramo ng shabu; 33,000 gramo ng kush; 33,040 gramo ng dried marijuana; 45ml ng marijuana oil; 700 marijuana seedlings; at 2,800 fully grown marijuana plants.

Pinuri rin ni Matta ang kanilang mga tauhan sa kanilang dedikasyon sa kampanya laban sa iligal na droga.

Iginiit din niya ang kahalagahan ng pagsunod sa karapatang pantao at batas sa pagsugpo laban sa iligal na droga, alinsunod sa direktiba ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us