Hiling ng kampo ni Quiboloy na tumanggap ng bisita habang naka-confine, ibinasura ng Korte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinasura ng Pasig Regional Trial Court Branch 159 ang kahilingan ng kampo ni Kingdom of Jesus Christ Leader Pastor Apollo Quiboloy, na tumanggap ng mga bisita habang naka-confine sa Philippine Heart Center.

Ayon kay Philippine National Police Spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo, isang bantay lamang ang pinayagang makasama ni Quiboloy.

Mahigpit din ang seguridad na ipinatutupad ng mga pulis sa kwarto at sa paligid ng Philippine Heart Center kung saan naka-confine si Quiboloy.

Samantala, dinala si Quiboloy sa katabing Philippine Children’s Hospital bandang alas-8:49 nung Miyerkules ng gabi upang gumamit ng isang equipment para sa kanyang medical examination.

Naibalik siya sa Philippine Heart Center bandang alas-9:10 ng gabi. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us