Nanindigan si Nueva Ecija 3rd Dist Rep. Ria Vergara na nanatiling nagkakaisa ang miembro ng Kamara de Representates sa suporta sa liderato ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ni House Speaker Martin Romualdez.
Sa kayang manifestation of support sa plenaryo, sinabi ni Vergara na hindi sila magpapaapekto sa mga maling paratang ni Vice President Sara Duterte.
Pinabulaanan din ng lady solon ang mga alegasyon ng pangalawang pangulo laban sa umanoy political ambition ni Speaker Romualdez.
Hindi lamang ito anya walang basehan bagkus maituturing na insulto sa karaker ng liderato ng Kamara na nagpamalakas ng kanyang unwavering commitment sa paglilingkod sa bayan at pag atake sa intergridad ng Kongreso bilang isang institution—bagay na hindi nila papayagan.
Diin nito, ang mga alegasyon ni VP Sara ay nagpapakita lamang ng pagkabigo na ipaliwanag ang mga kontrebersya sa kanyang mga tungkulin. | ulat ni Melany Reyes