Ibayong pag-iingat, paalala ng Isabela solon sa mga kababayan sa gitna ng bagyong Ofel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ngayon si Isabela 6th District Representative Inno Dy sa kaniyang mga kababayan na manatiling alerto sa gitna ng pag-ulang dala ng bagyong Ofel.

Ayon kay Dy ibayong pag iingat ang kailangan dahil inaasahang tataas muli ang tubig baha.

Saturated na rin kasi aniya ang lupa dahil sa mga pag-ulan na dala ng bagyong Nika.

Bukod pa ito sa patuloy ding pagpapakawala ng tubig ng Magat Dam.

Payo pa niya sa mga residente na kapag sila ay pinalikas ng baranggay disaster risk reduction officers o rescuers ay sumunod sila para sa kanilang kaligtasan.

Nakataas ang signal no. 3 ngayon sa Northern Isabela habang signal no. 2 naman sa Western at Eastern Isabela. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us