Hindi pababayaan ng pamahalaan ang mga sinalanta ng magkakasunod na bagyo.
Ito ang pangako ni Speaker Martin Romualdez sa mga taga Catanduanes sa kaniyang pagbisita ngayong araw para magpaabot ng tulong.
Kasama niya sina Catanduanes Rep. Leo Rodriguez at Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co sa Tabang Bicol, Tindog Oragon relief caravan.
Maliban sa relief goods, may tig-P5,000 na financial aid ang mga benepisyaryo sa pamamagitan ng AKAP program.
May dala rin na emergency shelter materials at may paraffle din ng mga home appliances dahil marami sa mga gamit sa bahay ang nasira bunsod ng bagyo.
Nagpasalamat naman si Rep. Rodriguez sa tulong ng kamara.
Malaking bagay aniya ito lalo na at nitong nakaraan lang mismong ang Pang. Ferdinad R. Marcos Jr. ang dumalaw sa kanila.
Sa Albay naman, may 5,000 benepisyaryo din ng relief caravan na nakakatanggap ng financial assistance, 5 kilong bigas at pa-raffle din ng appliance. | ulat ni Kathleen Forbes