Inalerto ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng Regional Office nito sa buong bansa na paghandaan naman ang epektong dulot ng paparating na mga bagyong Ofel at Pepito.
Ito’y ayon sa PNP ay alinsunod na rin sa direktiba ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng Police Regional Office na makipag-ugnayan sa kanilang Lokal na Pamahalaan at Local Disaster Risk Reduction and Management Offices.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief, PBGen. Jean Fajardo, pinagana na nila ang Reactionary Standby Support Force (RSSF) mula sa National Headquarters sa Kampo Crame na gagamiting dagdag puwersa sa mga maaapektuhang lalawigan.
Nabatid na mula 8am kahapon ay nakataas na ang heightened alert status sa buong PNP habang naka-full alert naman ang Police Regional Office 2 na una nang hinagupit ng bagyong Nika.
Pagtitiyak ng PNP, hindi titigil ang kanilang hanay sa pagtugon sa kalamidad kasabay ng pagtuapad nila sa mandatong panatilihin ang kapayapaan at katahimikan ng mga komunidad. | ulat ni Jaymark Dagala