Aabot sa mahigit 7,200 pamilya o katumbas ng mahigit 20,600 indibiduwal ang apektado ng pananalasa ng bagyong Marce.
Batay ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) as of 8AM ngayong araw.
Ayon sa NDRRMC, nagmula ang mga apektado sa mga rehiyon ng Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at Ilocos na kasalukuyang binabayo ng bagyo.
Sa naturang bilang, halos 4K pamilya o katumbas ng mahigit 11,400 indibiduwal ang kasalukuyang nanunuluyan sa evacuation centers.
Samantala, hindi naman madaanan ng mga light vehicle ang ilang mga lansangan sa Poblacion, Pagudpud at Pancian sa Adams, Ilocos Norte gayundin sa Nakanmuan, Sabtang, Batanes.
Mayroon din ilang kalsda sa Isabela at Apayao ang hindi naman passable sa lahat ng uri ng sasakyan.
Sa ulat naman ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), naibalik na ang suplay ng kuryente sa Tuguegarao-Tabuk 69kV line na nagsusuplay naman ng kuryente sa Cagayan Electric Cooperative (CAGELCO 1) at Kalinga Electric Cooperative (KAELCO). | ulat ni Jaymark Dagala