Mas kakaunti kumpara kahapon ang dumarating sa Manila North Cemetery ngayong All Souls’ Day, Nobyembre 2, kumpara sa bilang na naitala kahapon.
Sa pinakahuling tala ng Manila Police District, as of 1pm, nasa 136,000 ang bilang ng mga taong nagsidatingan ngayong araw sa pinakamalaking sementeryo sa Metro Manila.
Inaasahan naman na dadami pa ang bilang na ito pagdating ng hapon at kapag medyo bumaba na ang sikat ng araw.
No untoward incident at generally peaceful pa rin dito sa Manila North Cemetery tulad kahapon maliban lamang sa insidente kung saan isang miyembro ng LGBTQIA+ ang nabugbog dahil sa pagwawala sa loob ng sementeryo.
Inaasahan naman na ngayong araw hanggang 7:00 ng gabi mananatiling bukas ang Manila North Cemetery. | ulat ni EJ Lazaro