Patuloy na dumadami ang mga naistranded na mga pasahero sa mga pantalan sa Bicol dahil sa banta ng super Typhoon #PepitoPH. Sa pinakahuling ulat ng Office of Civil Defense Bicol, nasa 2,572 na ang mga indibidwal ang nasa mga pantalan ngayong kasagsagan ng bagyo.
Pinakamarami ang naistranded sa Matnog Port na nasa 2,134, nasa 224 naman sa Pilar Port, 73 sa Pio Duran Port, 50 sa Mintac Port, 11 sa Cawayan Port at 7 naman sa San Jacinto Port.
Nasa 279 din na mga rolling cargoes at 2 vessels ang naantala din ang biyahe dahil sa sama ng panahon.
Sa pinakahuling ulat ng PAGASA kaninang alas 8:00 ng gabi, nakataas pa rin ang gale warning sa eastern at southern seaboards ng Luzon at Eastern Seaboards ng Visayas kung kaya’t ipinagbabawal pa din ang pagpalaot ng mga sasakyang pandagat sa rehiyon.| ulat ni Paul Hapin| RP1 Albay