Magtutulungan ang National Authority of Child Care at Valenzuela City Government sa pagpapatupad ng Philippine Foster Care Program sa lungsod.
Ayon kay NACC Undersecretary Janella Estrada, ang tie-up program ng NACC sa mga LGU ay nangangako sa pagbuo ng karagdagang Foster Care Parents at upang magbigay ng support mechanisms lalo na ang basic social services.
Hinimok din ni Estrada ang LGU at ang Child Welfare Sector na ituon ang mga pagsisikap sa paghahanda ng mga bata pagdating sa edad para sa malayang pamumuhay.
Ang Valenzuela City ang ika-82 LGU na pumirma ng Memorandum of Agreement sa NACC habang tatlo pang lokal na pamahalaan ang pipirma ngayong linggo.
Sa ngayon, mayroon nang 1,112 foster children ang inilagay sa 904 licensed foster parents.
827 dito ang binigyan ng subsidiyo mula Php8,000 hanggang Php10,000 depende sa medical condition ng bata.
Kamakailan, tinapos ng NACC ang 2024 Foster Care Congress para sa Visayas-Mindanao at Luzon Clusters na aktibong nilahukan ng 81 Foster Family kasama ang 77 Foster Children. | ulat ni Rey Ferrer
📷 Valenzuela City FB