P339-M halaga ng tulong, ipinamahagi ng DSWD sa mga biktima ng bagyong Kristine sa Bicol Region

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot na sa P339 milyon ang kabuuang tulong na ipinamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga biktima ng bagyong Kristine sa Bicol Region.

Ayon kay DSWD Field Office 5 Regional Director Norman Laurio, nakapagbigay na sila ng family food packs at iba pang tulong sa mahigit 460,000 na mga pamilya sa Bicol.

Kabilang sa naipamahagi ang 35,000 na family food packs kasama ang tubig at iba pang non-food items sa Naga City.

Bukod dito ay nagbigay din ng family kits, hygiene kits, sleeping kits, at kitchen kits.

Naglaan din ang ahensya ng P20.91 milyon na ayuda sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) at Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP).

Sinabi ni Director Laurio, na malaking tulong ang whole-of-government approach na iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa disaster response operations, lalo na sa mga isolated areas na lubog sa baha. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us