APRUBADO na ng Department of Agriculture (DA) ang karagdagang importasyon ng 8,280 metric tons ng frozen na isda upang matugunan ang epekto ng domestic supply ng nakalipas na mga bagyo.
Sinabi ni Agriculture Secretary Fracisco Tiu laurel Jr., mahalaga ang certificate of necessity para makapag-import ng 30,000 metric tons ng frozen na small pelagic species gaya ng galunggong at mackerel para sa ika-apat na quarter ng 2024.
Ang desisyon na payagang mag-import ay matapos ang pulong ng National Fisheries and Aquatic Resources Management Council.
Ang inisyal na fish import volume ay layong madagdagan ang supply sa wet markets sa panahon ng closed-fishing season.
Sinabi pa ng kalihim ang alokasyon ng 8,000 metric tons ay hindi makakaapekto sa naunang inilaang Maximum Importable Volume habang ang 280 metric tons ay ilalaan sa KADIWA ng Pangulo Centers.| ulat ni Rey Ferrer