Nananatiling walang suplay ng kuryente sa apat na tramission lines sa ilalim ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na labis na naapektuhan ng Super Bagyong Pepito.
Kabilang dito ayon sa NGCP ang Santiago-Cauayan 69kV Line, Itogon-Ampucao 23kV Line, Bayombong-Lagawe 69kV Line at Cabanatuan-San Luis 69kV Line.
Ayon sa NGCP, hinihintay lang nilang bumuti ang panahon para agad na masimulan ang restoration activities para matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga tauhan.
Samantala, ini-ulat din ng NGCP na kanila nang nakumpuni ang ilan nilang transmission lines na naapektuhan ng Super Bagyo sa Bicol. | ulat ni Jaymark Dagala