Nilimitahan na ang pagpapakawala ng tubig sa Ambuklao, Binga at Magat Dam sa Luzon.
Sa ulat ng PAGASA Hydrometeorology Division, tig-isang gate na lamang ang binuksan sa tatlong dam na may .3 hanggang 1 metro ang gate opening.
Gayunman, nanatiling nakaalerto ang mga residente malapit sa river channel sa posibleng pagtaas ng tubig.
Batay sa monitoring ng PAGASA, 751.75 meters ang water elevation ng Ambuklao Dam na bahagyang mababa sa 172 meters normal elevation.
Habang nasa 573.43 meters ang lebel ng tubig sa Binga Dam at 187 meters sa Magat Dam.| ulat ni Rey Ferrer