Pagtaas ng credit rating ng Pilipinas, patunay ng matatag na pamumuno ng Pangulong Marcos Jr. — Speaker Romualdez

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinilala ni Speaker Martin Romualdez ang matatag na pamumuno at epektibong pamamahala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa natamong positive credit rating outlook upgrade ng Pilipinas mula sa S&P Global Ratings.

Giit niya na sa kabila ng kabi-kabilang hamon sa ating lipunan, nananatiling nakatuon ang administrasyon sa pagpapabuti ng kabuhayan ng bawat Pilipino.

Ipinapakita rin aniya ng credit rating upgrade na ito ang mas maayos na fiscal management, matatag na repormang pang ekonomiya at polisiya para sa mas maayos at pangmatagalang pag-unlad.

Binigyan ng credit rating agency ang Pilipinas ng BBB+ o positive outlook.

“Ang pagkilalang ito mula sa S&P ay nagpapakita na nasa tamang landas ang ating bansa. Nakikita ng international community ang potensyal ng Pilipinas bilang isang matatag at maunlad na ekonomiya sa ilalim ni Pangulong Marcos,” sabi ni Speaker Romualdez.

Kinilala din ng House leader ang mahalagang papel ng Kongreso sa pagsuporta sa economic policies ng pamahalaan partikular na sa pagpapasa ng mga batas na naglalayong palakasin ang ating ekonomiya, at lumikha ng mas maraming trabaho para sa ating mga kababayan.

Dahil naman sa upgrade na ito, sabi ni Romualdez, mas marami ang mag-iinvest sa Pilipinas na magreresulta sa mas malagong ekonomiya at dagdag trabaho sa mga Pilipino.

“Ibig sabihin, aangat ang kalidad ng buhay ng bawat Pilipino at ito ang magtitiyak ng mas maginhawa at mas matiwasay na kinabukasan para sa ating bansa,” dagdag pa niya.

Makakaasa aniya ang ehekutibo ng patuloy na suporta mula sa Kongreso sa mga insiyatiba ng pamahalaan.

Diin pa niya, na sa kabila ng mga ingay sa paligid hindi natitinag ang pamahalaan sa layunin nitong itaas ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino.

“Ang tagumpay na ito ay bunga ng ating pagkakaisa at pagtutulungan. Patuloy tayong magkaisa para sa ikabubuti ng ating bayan,” pagtatapos niya. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us