Nakatakdang ilunsad ngayong araw ng Office of Civil Defense (OCD) at World Bank ang “Panatag Pilipinas” campaign.
Layon nito na magbigay edukasyon at kasanayan sa mga Pilipino upang maging handa at ligtas ang mga Pilipino sa panahon ng sakuna.
Dito, ilalatag ang mga programa para sa makabago at epektibong komunikasyon upang madaling maabot ang publiko.
Ayon kay OCD Administrator, USec. Ariel Nepomuceno, mahalaga ang pagpapalaganap ng tamang impormasyon upang gabayan ang bawat Pilipino sa panahon ng Kalamidad.
Kamakailan, pinapurihan ng OCD ang pakikipagtulungan ng World Bank at iba pang partner agencies sa Disaster Risk Reduction and Management.
Inaasahang dadalo sa programa ang iba’t ibang ahensya ng Pamahalaan gaya ng Department of National Defense (DND), DSWD, DILG at PHIVOLCS.
Makakasama rin dito ang aktor na si Dingdong Dantes na siyang itinalagang Campaign Ambassador. | ulat ni Jaymark Dagala