Ipinagmalaki ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang matagumpay nilang Rotation and Re-supply mission (RoRe) sa mga Sundalong nakahimpil sa BRP Sierra Madre na nakasadsad sa Ayungin Shoal na bahagi ng West Philippine Sea.
Sa inilabas na pahayag ng AFP ngayong araw, sinabi nito na katuwang nila sa isinagawang RoRe mission ang Philippine Coast Guard (PCG).
Ang magandang balita, walang naitalang untoward incident sa kasagsagan ng misyon sa kabila ng mga naitatalang presensya ng China sa WPS.
Pagtitiyak ng AFP, hindi nila pababayaan ang kanilang mga tropa na naka-himpil sa Ayungin Shoal at patuloy nilang ipaglalaban ang soberaniya ng Pilipinas. | ulat ni Jaymark Dagala