Pasok sa lahat ng paaralan at tanggapan ng pamahalaan sa Batanes, suspendido na dahil sa bagyong Ofel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuluyan nang sinuspinde ang pasok sa lahat ng antas ng paaralan at tanggapan ng pamahalaan sa Lalawigan ng Batanes, ngayong itinaas na sa Tropical Cyclone wind Signal No. 3 ang probinsya.

Ayon sa inilabas na anunsiyo ng tanggapan ni Governor Marilou Cayco, simula 2 PM ang suspensyon ng pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan upang matiyak na maayos at ligtas ang mga kagamitan sa opisina bago ang pananalasa ng bagyo.

Tuloy naman ang pasok ng mga ahensiya ng pamahalaan na may kaugnayan sa disaster response at emergency operations, at iba pang essential services.

Samantala, ang pagsuspinde ng pasok sa mga pribadong sektor ay nasa kamay na ng sariling kumpanya o tanggapan.

Nagbigay paalala naman sa publiko, na siguruhin ang kahandaan para sa bagyong Ofel na inaasahang pinakamalapit sa probinsya ng Batanes bukas, November 15. | ulat ni Rodelyn Amboy, Radyo Pilipinas Batanes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us