Pinaigting na seguridad, ipinatutupad ng Coast Guard sa mga pwerto ngayong Undas 2024

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigit 200 personnel ng Philippine Coast Guard Station Iloilo ang naka-deploy sa mga pwerto at pantalan sa siyudad at probinsya ng Iloilo ngayong Undas.

Ayon kay Ensign El John Ga, Deputy Station Commander for Administration ng CGS-Iloilo, 73 ang naka-deploy sa mga pwerto sa syudad at 150 naman ang naka-deploy sa probinsya ng Iloilo.

Bago umalis ang mga sakayang dagat, nagsasagawa ang Philippine Coast Guard ng pre-departure inspection para matiyak na ligtas ang mga mamamayang babyahe pauwi.

In-activate rin ng CGS-Iloilo ang Malasakit Help Desk o ang Passenger Assistance Center (PAC) sa lahat ng pwerto para mabilis na makapagresponde sa anumang kailangan ng mga pasahero.

Bukod sa safety ng mga pasahero, nagsasagawa rin ng Seaborne Patrol Operations ang Coast Guard-Iloilo gamit ang kanilang mga floating assets sa baybayin ng Iloilo lalo na sa mga beach resorts para ma-monitor ang iba’t ibang water activities ng mga beachgoers. | Paul Tarrosa, Radyo Pilipinas Iloilo

📷 CGS-Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us