PNP-Civil Security Group, nagpaalala sa mall security guards na bawal ang “full” Santa Claus uniform ngayong Pasko

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinaalala ng PNP-Civil Security Group (PNP-CSG) na ipinagbabawal ang pagsusuot ng “full” Santa Claus costume para sa mga security guard ngayong nalalapit na ang Pasko.

Sa isang panayam sa Camp Crame, ipinaliwanag ni PNP-CSG Director Police Major General Leo Franciso na mayroong itinakdang uniporme para sa mga security guard.

Kung nais nilang magpalit ng uniporme, kinakailangan muna itong aprubahan ng kanilang tanggapan.

Maaaring mapatawan ng parusa ang security agency na lalabag sa kautusang ito.

Nilinaw naman ni PMGen Franciso, na kahit ipinagbabawal ang “full” Santa Claus uniform, pinahihintulutan naman ang pagsusuot ng sumbrero o Santa hat.

Kaugnay nito, mas pinaigting pa ng PNP-CSG ang koordinasyon sa mga mall operator para sa pagpapalakas ng seguridad ngayong Pasko. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us