PNP, handang harapin ang kaso na isasampa sa kanila ni VP Sara Duterte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome sa Philippine National Police (PNP) ang mga kasong isasampa sa kanila ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay PNP- Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director, Police MajorGeneral Nicolas Torre III, handa silang harapin ang kaso.

Aniya, karapatan naman ng bawat isa na magsampa ng kaso kaya kanila itong ginagalang.

Subalit, sinabi ni Torre na saka na lamang sila magbibigay ng ibang komento sa sandaling naihain na ang kaso.

Nabatid na kabilang sa mga kasong isasampa ng Pangalawang Pangulo laban sa PNP ay disobedience, robbery, at kidnapping.

Magugunitang nagsampa ng kaso ang PNP laban sa Pangalawang Pangulo at mga tauhan nito kahapon dahil sa umano’y tensyon sa paglilipat ng ospital sa kanyang Chief of Staff na si Undersecretary Zuleika Lopez. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us