PNP, nanawagan ng suporta para sa mga pulis na apektado ng anti-drug campaign

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ng suporta ang liderato ng Philippine National Police (PNP) para sa mga pulis na gumaganap ng kanilang tungkulin partikular na ang paglaban sa iligal na droga.

Ito’y dahil sa may mga pulis pa rin na solong hinaharap ang mga kasong isinampa laban sa kanila dahil sa pagtupad sa kanilang mandato sa kabila ng pangako ng nakalipas na administrasyon.

Batay sa datos mula Hulyo 2016 hanggang Hunyo ng 2022, umabot sa mahigit 1,200 opisyal ng PNP ang apektado sa kampanya kontra iligal na droga.

Mula sa nasabing bilang, nasa 312 dito ang nasawi habang 974 naman ang nasaktan habang gumaganap ng kanilang trabaho.

Sa kasalukuyan, mayroon pang 214 na mga pulis na humaharap sa mga kasong kriminal habang sa nakalipas na anim na taon, 195 na ang mga pulis na natanggal sa serbisyo habang mayroong 20 naman ang nakakulong na. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us